May kilala ka bang taong walang nagawang kasalanan sa boung buhay nya?
ANG LAHAT NG TAO AY MAKASALANAN
Ayon sa Bibliya, ang lahat ay makasalanan at ang hindi mo
paggawa ng mabuti ay kasalanan din kahit pa na hindi ka gumagawa ng masama.
Roma 3:10. 10 Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala
kahit isa
Santiago 4:17. 17 Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at
hindi ginagawa, ito'y kasalanan sa kaniya
ANO ANG KABAYARAN NG KASALANAN?
ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMATAYAN
ROMA 5:12
12Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng
isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito,
lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao dahil ang lahat ay nagkasala.
ROMA 6:23
23Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan
DAPAT NGA BANG BAYARAN NG KAMATAYAN ANG KASALANAN?
Hebreo 9:27
27 At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na
minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom;
Hebreo 9:22
22 At yaon sa kautusan, ay halos masasabi kong lahat ng mga
bagay ay nililinis ng dugo, at maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang
kapatawaran.
SINO ANG NAGBAYAD PARA SA KASALANAN NG TAO?
SI JESUKRISTO ANG NAGBAYAD NG ATING KASALANAN KAYA SIYA
NAMATAY SA KRUS.
ROMA 5:8
8Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang
mamatay si Cristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa.
1 PEDRO 2:24
24Sa kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang bigat ng
ating mga kasalanan upang tayo’y mamatay na sa kasalanan at mamuhay ayon sa
kalooban ng Diyos. Kayo’y pinagaling na sa pamamagitan ng kanyang mga sugat.
IBIG BA SABIHIN NANG DAHIL NAMATAY SI JESUKRISTO SA KRUS AY
LIGTAS NA TAYO?
ANG SAGOT AY HINDI….KAILANGAN MUNA NATING PAGSISIHAN ANG ATING
MGA KASALANAN AT HUMINGI TAYO NG KAPATAWARAN NG ATING KASALANAN SA PANGINOON AT
TANGGAPIN NATIN SI JESUKRISTO BILANG ATING DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS.
JUAN 3:16
16Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa
sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang
sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na
walang hanggan.
PWEDE KA BANG MALIGTAS SA KAMATAYAN SA IMPYERNO KUNG IKAW AY
GAGAWA NG KABUTIHAN AT MAPAGBIGAY SA MAHIHIRAP, PERO HINDI MO TINANGGAP SI
JESUKRISTO SA BUHAY MO?
ANG SAGOT AY HINDI…DAHIL KUNG ANG KABUTIHAN ANG BATAYAN NG
KALIGTASAN MADAMI ANG MAGMAMAYABANG NA SABIHIN NILA NA SILA AY NALIGTAS DAHIL
SA KANILANG SARILING PARAAN.
EPHESIANS 2:8-9
8Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng
pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios; 9Hindi
sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.
KUNG GANUN, ANO ANG GAGAWIN KO PARA AKO AY MALIGTAS MULA SA
WALANG HANGGANG KAMATAYAN SA IMPIYERNO AT NANG AKO AY MAPUNTA SA LANGIT?
NAPAKADALI LANG KAPATID…. PAGSISIHAN MO ANG IYONG MGA
KASALANAN AT HUMINGI KA NG KAPATAWARAN NG IYONG MGA KASALANAN SA PANGINOON AT
TANGGAPIN MO SI JESUKRISTO BILANG IYONG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS.
No comments:
Post a Comment