Monday, March 17, 2014

ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMATAYAN

SINO ANG HINDI NAGKAKASALA?  
May kilala ka bang taong walang nagawang kasalanan sa  boung buhay nya?


ANG LAHAT NG TAO AY MAKASALANAN
Ayon sa Bibliya, ang lahat ay makasalanan at ang hindi mo paggawa ng mabuti ay kasalanan din kahit pa na hindi ka gumagawa ng masama.
Roma 3:10. 10 Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa
Santiago 4:17. 17 Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito'y kasalanan sa kaniya


ANO ANG KABAYARAN NG KASALANAN?
ANG KABAYARAN NG KASALANAN AY KAMATAYAN

ROMA 5:12
12Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao dahil ang lahat ay nagkasala.

ROMA 6:23
23Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan

DAPAT NGA BANG BAYARAN NG KAMATAYAN ANG KASALANAN?
Hebreo 9:27
27 At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom;
Hebreo 9:22
22 At yaon sa kautusan, ay halos masasabi kong lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran.



SINO ANG NAGBAYAD PARA SA KASALANAN NG TAO?
SI JESUKRISTO ANG NAGBAYAD NG ATING KASALANAN KAYA SIYA NAMATAY SA KRUS.

ROMA 5:8
8Ngunit ipinadama ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa.

1 PEDRO 2:24
24Sa kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang bigat ng ating mga kasalanan upang tayo’y mamatay na sa kasalanan at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Kayo’y pinagaling na sa pamamagitan ng kanyang mga sugat.


IBIG BA SABIHIN NANG DAHIL NAMATAY SI JESUKRISTO SA KRUS AY LIGTAS NA TAYO?

ANG SAGOT AY HINDI….KAILANGAN MUNA NATING PAGSISIHAN ANG ATING MGA KASALANAN AT HUMINGI TAYO NG KAPATAWARAN NG ATING KASALANAN SA PANGINOON AT TANGGAPIN NATIN SI JESUKRISTO BILANG ATING DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS.

JUAN 3:16
16Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

PWEDE KA BANG MALIGTAS SA KAMATAYAN SA IMPYERNO KUNG IKAW AY GAGAWA NG KABUTIHAN AT MAPAGBIGAY SA MAHIHIRAP, PERO HINDI MO TINANGGAP SI JESUKRISTO SA BUHAY MO?

ANG SAGOT AY HINDI…DAHIL KUNG ANG KABUTIHAN ANG BATAYAN NG KALIGTASAN MADAMI ANG MAGMAMAYABANG NA SABIHIN NILA NA SILA AY NALIGTAS DAHIL SA KANILANG SARILING PARAAN.

EPHESIANS 2:8-9
8Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios; 9Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.


KUNG GANUN, ANO ANG GAGAWIN KO PARA AKO AY MALIGTAS MULA SA WALANG HANGGANG KAMATAYAN SA IMPIYERNO AT NANG AKO AY MAPUNTA SA LANGIT?

NAPAKADALI LANG KAPATID…. PAGSISIHAN MO ANG IYONG MGA KASALANAN AT HUMINGI KA NG KAPATAWARAN NG IYONG MGA KASALANAN SA PANGINOON AT TANGGAPIN MO SI JESUKRISTO BILANG IYONG DIYOS AT TAGAPAGLIGTAS.


Monday, March 10, 2014

Ako ngayon ay sumampalataya na kay Hesus… ano ngayon?

Ako ngayon ay sumampalataya na kay Hesus… ano ngayon?




Ako ngayon ay sumampalataya na kay Hesus… ano ngayon?

Binabati kita! Gumawa ka ng isang kapasiyahan na babago sa iyong buhay. Baka mayroon kang mga tanong kung paano ka magsisimula sa iyong pamumuhay na kasama ang Diyos, narito ang limang panuntunan upang magsilbing patnubay mula sa Salita ng Diyos. Kung may iba ka pang katanungan sa iyong buhay Kristyano, sumulat sa http://www.gotquestions.org/Tagalog

1. Tiyakin mo kung nauunawaan mo ang tungkol sa kaligtasan.

Sinasabi sa atin ng 1 Juan 5:13, “Isinusulat ko ito sa inyo, kayong nananalig sa Anak ng Diyos, para malaman ninyo na may buhay kayo na walang hanggan.” Nais ng Diyos na maunawaan natin ang kaligtasan. Nais niyang lubos ang ating paniniwala na nakatitiyak tayo na tayo ay ligtas na. Balikan natin ang mga mahalagang bagay tungkol sa kaligtasan:

a. Lahat tayo ay nagkasala. Lahat ay nakagawa ng mga bagay na hindi nais ng Diyos (Roma 3:23).

b. Dahil sa ating mga kasalanan, nararapat lamang na parusahan tayo ng walang hanggang pagkahiwalay sa Diyos (Roma 6:23).

c. Namatay si Hesus sa krus para sa atin upang bayaran ang parusa para sa ating mga kasalanan (Roma 5:8; 2 Corinto 5:21). Siya ang nagtiis ng parusa na nararapat sa atin. At ang kanyang muling pagkabuhay ay patunay na sapat ang kanyang ibinayad para sa ating mga kasalanan.

d. Pinatatawad ng Diyos at inililigtas ang lahat ng sumampalataya kay Hesus at nagtitiwala sa kanyang kamatayan bilang pambayad sa kanilang kasalanan (Juan 3:16; Roma 5:1; Roma 8:1).

Iyan ang mensahe ng kaligtasan! Kung tinanggap mo si Hesus na sarili mong Tagapagligtas at Panginoon o “Boss”, ikaw ay ligtas na! Ang lahat ng iyong mga kasalanan ay pinatawad na ng Diyos at ipinangako niyang hindi ka pababayaan ni iiwanan man(Roma 8:38, 39; Mateo 28:20). Alalahanin mong tiyak ang iyong kaligtasan kay Hesu Kristo (Juan 10:28, 29). Kung ikaw ay sumampalataya at nagtiwala kay Hesus bilang sarili mong Tagapagligtas at “Boss”, may katiyakan na mamumuhay ka ng walang hanggan sa langit na kasama ang Diyos.

2. Maghanap ka ng isang Iglesia na nagtuturo ng Biblia.

Nakapahalaga na ang mga nananampalataya kay Hesu Kristo ay magsama-sama. Ngayong sumasampalataya ka na kay Hesu Kristo, pinapayuhan ka naming maghanap ng simbahang naniniwala sa mga turo mula sa Biblia na nasa iyong lugar at makipag-usap ka sa Pastor doon. Sabihin mo sa kanya na ikaw ay bagong mananampalataya kay Hesu Kristo.

Ang layunin ng simbahan ay magturo ng tungkol sa Salita ng Diyos. Ang pagka-unawa sa Salita ng Diyos ang susi para makapamuhay nang matagumpay at matatag bilang isang Kristiyano. Matuto ka ring isabuhay ang mga turo ng Diyos. Sinasabi ng 2 Timoteo 3:16-17, “Lahat ng Kasulatan ay galing sa Diyos, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway, sa pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay, upang ang naglilingkod sa Diyos ay magiging handa sa lahat ng mabubuting gawa.

Ang isa pang layunin ng simbahan ay ang pagsamba. Ang pagsamba ay ang pagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng kanyang ginawa para sa atin! Iniligtas tayo ng Diyos. Minamahal niya tayo at ibinibigay ang ating mga pangangailangan. Pinapatnubayan din niya tayo at iniingatan araw-araw. Ang Diyos ay banal, matuwid, mapagmahal, maunawain at puno ng biyaya. Sinasabi ng Pahayag 4:11 “Karapat-dapat ka Panginoon naming Diyos na tumanggap ng parangal, papuri at kapangyarihan, sapagkat kayo ang lumalang sa lahat ng bagay. At ginawa mo ang mga ito ayon sa iyong kagustuhan.”

3. Maglaan ng panahon para sa Diyos bawat araw.

Mahalaga para sa atin ang maglaan ng panahon para sa Diyos bawat araw. Ang tawag ng iba dito ay “devotion” sapagkat ito ang panahon na inilalaan natin sa Diyos. Ang iba ay gustong gawin ito sa umaga, ang iba naman ay sa hapon. Hindi mahalaga kung ano ang tawag mo dito o kung anong oras mo gagawin. Ang mahalaga ay ginagawa mo ito para sa Diyos. Ano ang dapat nating gawin sa oras na inilaan natin para sa Diyos?

a. Manalangin. Ang panalangin ay pakikipag-usap sa Diyos. Sabihin mo sa Diyos ang iyong mga problema at mga alalahanin. Hilingin mo sa Diyos na bigyan ka ng karunungan, patnubay at lahat ng iyong mga pangangailangan. Sabihin mo rin sa Diyos kung gaano mo siya kamahal at kung gaano mo pinapahalagahan ang lahat ng ginagawa Niya para sa iyo. Ganyan ang panalangin.

b. Pagbabasa ng Biblia. Nasa Biblia ang lahat ng kailangan mong malaman para makapamuhay ka nang matagumpay bilang isang Kristyano. Naglalaman ito ng mga turo ng Diyos upang makagawa ka ng tamang kapasiyahan, upang iyong malaman ang kalooban ng Diyos, kung paano ka maglilingkod sa kapwa, at kung paano lumago sa buhay espiritwal. Ang Biblia ay Salita ng Diyos para sa atin. Ito ay naglalaman ng mga turo kung paano tayo mamumuhay nang kalugod-lugod sa Diyos.

4. Makihalubilo sa mga taong makatutulong sa iyong buhay espiritwal.

Sinasabi sa atin ng 1 Corinto 15:33, “Mag-iingat kayo: ‘Ang masamang kasama’y makakasira sa magandang ugali.’ ” Maraming babala ang ating makikita sa Biblia tungkol sa panghihikayat sa atin ng mga taong masasama. Ang paggugol ng panahon na kasama ang mga taong masama ang gawain ay makatutukso sa atin para gumawa rin ng masama. Mahahawa tayo sa ugali ng mga taong lagi nating kasama. Kaya kailangan na ang palagi nating kasama ay ang mga taong tapat at nagmamahal din sa Panginoon.

Sikapin mong magkaroon ng isa o dalawang kaibigan sa simbahan na maaring makatulong at makapagpalakas sa iyo (Hebreo 3:13; 10:24). Hilingin mo sa iyong mga kaibigan na paalalahanan ka na may pananagutan ka sa Diyos sa iyong mga gawain, at sa iyong buhay bilang isang kristyano. Tanungin mo rin sila kung maaari mo rin na gawin ito sa kanila. Ito naman ay hindi nangangahulugang hindi ka makikipag-kaibigan sa mga hindi pa nakakakilala sa Panginoong Hesus bilang sarili nilang tagapagligtas. Manatili kang kaibigan nila at ipadama mong mahal mo sila. Sabihin mo sa kanila na binago na ni Hesus ang buhay mo kaya may mga bagay na dati mong ginagawa na hindi mo na gagawin ngayon. Hilingin mo sa Diyos na pagkalooban ka ng pagkakataon na maibahagi si Kristo sa iyong mga kaibigan.

5. Magpabautismo ka.


Maraming tao ang hindi makakaunawa sa bautismo. Ang salitang “bautismo” ay nangangahulugan ng paglubog sa tubig. Ang pagpapabautismo ayon sa Biblia ay isang pagpapahayag sa madla ng iyong bagong pananampalataya kay Kristo at ang pagtatalaga ng iyong sarili sa Kanya. Ang ginagawang paglubog sa iyo sa tubig ay naglalarawan ng paglibing na kasama si Kristo. At ang pag-ahon naman sa tubig ay paglalarawan sa muling pagkabuhay ni Hesu Kristo. Kaya ang pagpapabautismo ay ang pagpapakita ng iyong pag-ugnay sa iyong sarili sa kamatayan, paglibing at muling pagkabuhay ni Kristo (Roma 6:3-4). Ito’y isang hakbang ng pagsunod – ang pagpapahayag sa madla ng iyong pananampalataya kay Hesu Kristo at ng iyong pagtatalaga ng iyong sarili sa Kanya. Kung handa ka ng magpabautismo sabihin mo ito sa iyong Pastor.

Paano ako makatitiyak na pupunta ako sa langit pagkatapos kong mamatay?

                                                                                Paano ako makatitiyak na pupunta ako sa langit pagkatapos kong mamatay?



Tanong: "Paano ako makatitiyak na pupunta ako sa langit pagkatapos kong mamatay?"

Sagot: Nais ng Diyos na makatiyak tayo tungkol sa bagay na ito. Sinabi niya sa 1 Juan 5:13, “Isinusulat ko ito sa inyo upang malaman ninyo na kayong nananalig sa Anak ng Diyos ay may buhay na walang hanggan.” Kung haharap ka ngayon sa Diyos at tanungin Ka niya, “Bakit kita papapasukin sa langit?” Maaaring hindi mo alam ang iyong isasagot. Dapat nating malaman na mahal tayo ng Diyos at gumawa siya ng paraan upang magkaroon tayo ng katiyakang mamuhay ng walang hanggan sa piling Niya. Ayon sa Juan 3:16, “Sapagkat mahal na mahal ng Diyos ang mundo, kaya ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.”

Bakit hindi maaaring makapunta ang tao sa langit? Ang dahilan, tayo‘y makasalanan. Nasira ang ating relasyon sa Diyos dahil sa ating mga kasalanan. Sinabi sa Roma 3:23, “Ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat-dapat sa paningin ng Diyos.” Dahil dito, hindi natin maililigtas ang ating sarili. Hindi rin tayo maliligtas sa pamamagitan ng ating mga mabubuting gawa. Ayon sa Efeso 2:8-9, “Dahil sa biyaya ng Diyos, naligtas kayo nang sumampalataya kayo kay Kristo. Ito'y kaloob sa inyo ng Diyos, at hindi galing sa inyo. Hindi ito nakasalalay sa mabubuti ninyong gawa, upang walang maipagmalaki ang sinuman.” Ang nararapat lamang para sa atin ay ang kaparusahan sa impiyerno. “Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.” (Roma 6:23)

Banal at makatarungan ang ating Panginoon kung kaya’t ang ating mga kasalanan ay may katapat na kaparusahan. Ngunit mahal din niya tayo, kaya gumawa siya ng paraan para mapatawad tayo sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ni Hesus. Sinabi ni Hesus, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makalalapit sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6). Namatay sa krus si Hesus para sa atin. Sinabi sa 1 Pedro 3:18, “Sapagkat si Kristo nga'y pinatay kahit wala siyang nagawang masama. At siya'y minsan lang namatay upang mapatawad ang ating mga kasalanan. Siya na walang kasalanan ay pinatay alang-alang sa ating mga makasalanan, upang madala niya tayo sa Diyos. Pinatay siya sa laman ngunit binuhay siya sa espiritu.” Ayon din sa Roma 4:25 “Ipinapatay si Hesus dahil sa ating mga kasalanan, at muling binuhay upang tayo'y maituring ng Diyos na matuwid.”

Kaya ito ang sagot sa katanungan natin tungkol sa katiyakan ng pagpunta sa langit: “Sumampalataya ka sa Panginoong Hesus, at maliligtas ka” (Mga Gawa 16:31). “Sa lahat ng tumanggap at nanampalataya sa kanya, binigyan niya sila ng karapatang maging anak ng Diyos” (Juan 1:12). Matatanggap mo ang buhay na walang hanggan nang walang bayad. Ito’y regalo ng Diyos. “Ang kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Hesu Kristo na ating Panginoon” (Roma 3:23). Maari ka nang mamuhay ngayon ng isang buhay na ganap, kasiya-siya at makahulugan dahil kay Hesus (Juan 10:10). Maari ka nang mamuhay ng walang hanggan na kasama ni Hesus sa langit, sapagkat sinabi din niya, “Kapag pumunta na ako roon at naipaghanda na kayo ng lugar, babalik ako at isasama ko kayo sa aking tahanan upang kung nasaan man ako ay nandoon din kayo” (Juan 14:3).

Kung gusto mong tanggapin si Hesu Kristo bilang iyong tagapagligtas at tanggapin ang kanyang kapatawaran, maaari mo itong ipanalangin. Tandaan mo lamang na hindi ang panalanging ito ang makapagliligtas sa iyo. Tanging si Hesu Kristo lamang at ang pananampalataya sa Kanya ang makakagawa noon. “O Diyos, inaamin kong nagkasala ako laban sa iyo at nararapat lamang na parusahan. Ngunit inako ni Hesus ang aking kasalanan at tiniis ang parusang dapat sana ay sa akin, upang sa aking pagsampalataya sa kanya ay mapatawad mo ako. Tinatalikuran ko ang aking mga kasalanan at nagtitiwala ako ngayon kay Hesus para sa aking kaligtasan. Salamat po sa iyong kahanga-hangang biyaya at kapatawaran. At salamat din sa buhay na walang hanggan. Amen.”


Dahil sa iyong mga nabasa dito, ikaw ba ay nagsisisi na sa iyong mga kasalanan at gumawa ng desisyon upang tanggapin si Kristo?